Inilahad ni Bea Alonzo na masaya siya ngayon sa kaniyang pagiging single, at sinabing hindi laging kasal ang kahahantungan ng buhay ng bawat tao.
Sa ulat ng Saksi, sinabing inamin ni Bea na may mga nagpaparamdam ngayon sa kaniya.
Hindi raw isinasara ng Widows' War star ang kaniyang puso pagdating sa pag-ibig, ngunit wala siyang dine-date exclusively
Para kay Bea, importante sa kaniya ang strong connection, at hindi niya pini-pressure ang sarili pagdating sa pagpapakasal.
"Hindi naman marriage 'yung laging endgame ng lahat. You know, maybe when you have different paths, you have different destinies and faith... I mean, if it happens, I'll be happy, but it doesn't mean that I would beat myself up if it doesn't happen," ani Bea.
Enero 2021 nang mapabalita ang relasyon nina Bea at Dominic. Ilang buwan makaraan nito, kinumpirma ng Kapuso actress ang relasyon nila ng aktor.
Hulyo 2023 nang maging engaged ang dalawa at napabalita ang kasal na gaganapin noong taon ding iyon.
Kasunod nito ang usapan-usapan na hiwalay na ang dalawa nang mapansin ng ilang netizens na hindi na suot ni Bea ang kaniyang engagement ring. Hanggang sa makumpirmang naghiwalay na ang dalawa. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News