Tinuldukan na ni Kyline Alcantara ang usapin sa "hiwalayan" nila ni Mavy Legaspi, at sinabing dapat nang mag-move on ang lahat tungkol dito.

"In every relationship naman po that I have or I had, whether it's professionally or friendly man or romantic, I always try to learn something from it, both the good and the bad experiences," saad ni Kyline nang tanungin ni Tito Boy tungkol sa naturang isyu sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Huwebes.

"Right now, I think we should all move on from that experience, and I will treasure that moment po kasi siyempre, it makes me who I am today, or it made me who I am today with all that happened," pagpapatuloy ni Kyline.

Inilahad din ng Sparkle actress ang kaniyang pasasalamat sa lahat ng pinagsamahan nila ni Mavy.

"I feel grateful that I experienced that po," sabi niya.

Matatandaang naging magka-loveteam sina Kyline at Mavy, at nagkasama sa mga pamamasyal. Gayunman, wala opisyal na pahayag ang dalawa sa kung ano ang tunay na relasyon nila.

Naging usap-usapan na hiwalay ang dalawa nang mapansin ng netizens na hindi sila nagpo-post ng mga larawan na magkasama sila.

Nauugnay ngayon si Kyline kay Kobe Paras, pero wala rin siyang opisyal na pahayag tungkol sa kanilang relasyon.

“I don’t need to explain myself din naman po to other people. Whatever they see, that’s what they’re gonna get,” paliwanag ni Kyline sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa "24 Oras" nitong Miyerkules.--FRJ, GMA Integrated News