Naisipan ng ilang Pinoy na biruin ang American content creator na si Speed ng IShowSpeed na bumibisita ngayon sa bansa nang subukan niyang kumain ng siopao.

Nag-live stream si Speed sa kaniyang YouTube page nitong Miyerkules at umikot sa ilang lugar sa Metro Manila habang suot ang basketball jersey na may nakasulat na Pilipinas at may Philippine flag.

Sa isang tindahan, may nakita siyang puting tila tinapay na siopao na kaniyang kinain habang tinatanong kung ano iyon.

May nagsabi sa kaniya na "pork" ang nasa loob ng tinapay, habang may mga nakikiusyoso ang pabirong nagsabi ng "meow! meow!."

Agad na hinanap ng content creator kung sino ang nagsabi ng "meow! meow!" kasabay ng pagtataka kung ano ang ibig sabihin nito.

Nang malaman niya na pusa ang ibig sabihin ng "meow! meow! iniluwa ni Speed ang kaniyang kinain.

Pero sinabihan din naman siya na "joke" lang na pusa ang laman ng siopao.

Sa kaniyang pag-iikot, bumili ri Speed ng mga pang-snacks sa sari-sari store, sumakay ng motorsiklo, naglaro ng basketball, at iba pa.

Sa kasalukuyang, may mahigit na 29 million subscribers on YouTube si IShowSpeed, mahigit 24 million followers sa Instagram, at mahigit 29 million followers sa TikTok. —FRJ, GMA Integrated News