Nagluluksa ang Pokémon sa pagpanaw ng 46-anyos na si voice actor na si Rachael Lillis, na nagbigay ng boses sa karakter nina Misty at Jessie.
"We are deeply saddened to hear about the passing of Rachael Lillis," saad sa post ng Pokémon bilang tribute sa social media kay Rachael.
"Her performance in the Pokémon animated series will be cherished by the many fans who grew up with the characters she brought to life with her special talent," patuloy nito.
Sa ipinaabot nilang panalangin at pakikiramay sa pamilya at mga kaibigan ni Rachael, inihayag ng Pokémon na, "Rachael will be remembered for generations to come, and we will always keep her close in our hearts."
Ayon sa Variety, pumanaw si Rachael noong Sabado. Nito lang nakaraang Mayo nang matuklasan na mayroon siyang breast cancer.
Ibinahagi rin ng Pokémon voice actor ni Veronica Taylor ang malungkot na balita tungkol sa pagpanaw ng kanilang kasamahan sa post nito sa X noong Linggo.
"Rachael was so thankful for all the generous love and support that was given to her as she battled cancer. It truly made a positive difference," saad ni Taylor.
"Her family also wishes to thank you as they take this time to grieve privately. A memorial is being planned for a future date,” patuloy niya.
Batay sa IMDB, iniulat ng BBC na naging boses si Rachael sa Pokemon sa 423 episodes magmula 1997 hanggang 2015."
Bukod kina Misty at Jessie, si Rachael din ang boses sa likod ni Jigglypuff.-- FRJ, GMA Integrated News