Inilahad ni Ashley Ortega na single siya at inaalagaan at minamahal muna niya ang sarili. Nais daw ng aktres na maging "best version" siya ng kaniyang sarili para na rin susunod niyang nobyo.

Sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Biyernes, kinumusta ni Tito Boy tungkol sa estado ng puso ni Ashley.

"Happily single pa rin. I am genuinely happy pa rin sa career path ko," saad ng "Pulang Araw" actress.

Pero hindi raw muna naghahanap ng bagong pag-ibig si Ashley ngayon.

"I don't go out looking for love. I believe that love will always find me," saad ng dalaga.

Tinanong ni Tito Boy nasaa kaya ang forever ni Ashley, tugon ng aktres, "Sa totoo lang I don't know. But right now I'm really happy and focus ko sarili ko eh. Siguro ngayon kasi, aminado naman ako that I don't go out to meet guys, kaya siguro single rin ako ngayon, kasi I have so much on my plate."

"Siguro, maybe next year I'm gonna go out and meet people," dagdag pa niya.

Matatandaang Marso noong nakaraang taon nang sabihin ng aktres na hindi na bahagi ng kaniyang buhay ang dating nobyo na si Lucena City Mayor Mark Alcala.

https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/chikamuna/864255/ashley-ortega-tungkol-kay-lucena-mayor-mark-alcala-he-s-not-part-of-my-life-anymore/story/

"Ipinagdarasal ko rin actually 'yung future. Sabi ko kay Lord, siyempre I've experienced heartaches in the past. And just because of that heartache doesn't mean na I'm gonna be a cold hearted person," saad ni Ashley.

Sa kabila nito, hindi siya titigil na maging sweet, at ipinangako niyang "best version" ng kaniyang sarili ang ipakikita niya sa susunod niya na relasyon.

"I'll still remain as a sweet, lover girl. Whoever my next guy is will be the luckiest guy because you will get the best version of myself. Pero hindi ko pa alam kung sino," sabi pa ng aktres.-- FRJ, GMA Integrated News