Ikinatuwa ng netizens ang latest post ni Michael V. na tila kailangan pang i-zoom para mahanap sa larawan nina Bea Alonzo, Vice Ganda, Atty. Annette Gozon-Valdes, at iba pang high profile personalities sa GMA Gala.

Sa Instagram post ni Bitoy, makikita ang larawan ng Nice Print na magkakasama sina Bea, Vice, Atty. Gozon-Valdez, Tim Yap at Sparkle vice president Joy Marcelo.

Dahil dito, kinailangang mag-zoom ng mga kaibigan ni Bitoy sa showbiz pati na rin ang netizens para lang mahanap siya, na nasa pagitan pala nina Bea at Vice.

Para kay Michael, "#DreamsDoComeTrue" nang makasama siya sa photo ng high profile personalities.

"Matagal ko nang sinabi sa sarili ko na gusto kong makasama sina Bea Alonzo, Vice Ganda at si Annette Gozon-Valdes in one photo," caption ni Bitoy.

"Thanks to #GMAGala2024, nangyari na rin finally! Thank you din sa @niceprintphoto. Ipapa-frame ko ‘to," dagdag pa niya.

"Where’s Wally ang dating eh, " komento ni Rochelle Pangilinan.

[M]untik mo na sila maharangan, Kuya, buti na lang!" sabi ni Denise Barbacena.

"Hahahaha grabe ka! Made my day. Nag-zoom pa ako kay @officialtimyap, " komento naman ni Arnold Clavio.

"Wahahaha...ang photobomber ang scene stealer!!!!!" komento ni Atty. Gozon-Valdes.

Ginanap ang GMA Gala 2024 noong Sabado sa Grand Ballroom sa Marriott Hotel.

Panauhin ang iba't ibang beauty queens, celebrities, news personalities, internet stars, at ilang politiko sa kanilang mga black, white and sparkle theme.

 

 

—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News