Binigyang babala ng Sparkle GMA Artist Center ang publiko tungkol sa mga kumakalat na peke umanong e-mail invitation para sa GMA Gala 2024.
“We have been informed of fraudulent email replies circulating that falsely claim to offer RSVPs to the GMA Gala event. These email correspondences are not legitimate,” saad ng Sparkle GMA Artist Center sa kanilang pahayag.
“Please do not respond or provide any personal information,” paalala pa ng talent management arm ng Kapuso Network.
Ayon sa Sparkle, direktang magtanong o makipag-ugnayan lamang sa kanilang mga official channel, maging mapagmatiyag at protektahan ng publiko ang kanilang impormasyon.
Sa Hulyo 20 na gaganapin ang ikatlong GMA Gala, na bukod sa isang “night of glamour,” magsisilbi rin itong fundraising event para sa GMA Kapuso Foundation. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News