Habang naka-break ang K-pop group na kaniyang kinabibilangan na Lapillus, nais ng Pinay member nito na si Chanty na mag-focus muna sa local projects at excited makatrabaho ang ilang Kapuso stars.

Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News "24 Oras" nitong Lunes, sinabi ni Chanty na isa ring Sparkle artist, looking forward siya na makatrabaho ang fellow Kapuso stars, kabilang ang kaniyang idol na si Marian Rivera.

"Siyempre si Miss Marian Rivera po talaga yung pangarap ko [na makatrabaho] and of course yung friend ko rin po si Zonia Mejia. We've been friends po for a very long time it would be really nice to work with her also," saad niya.

Matagal-tagal na rin daw since ang kaniyang last acting experience o projects kaya nais niyang gawin mula ito "to refresh my mind and everything."

Naghahanda na rin si Chanty para sa pagdalo niya for the first time sa GMA Gala na gagawin next month. Looking forward daw siya na ma-meet at makapagpa-picture sa mga kapuwa Kapuso stars.

"Isasama ko na rin yung pagfa-fan girl ko po sa mga GMA artista po. Gusto ko pong magpa-picture sa lahat po ng kilala kong celebrities sa GMA," excited niyang pahayag.-- FRJ, GMA Integrated News