Pumanaw na sa edad na 88 ang beteranong aktor na si Donald Sutherland, na bumida sa mga hit movie na gaya ng "M*A*S*H," "Klute," "Ordinary People" at "The Hunger Games."
Sa ulat ng Reuters, sinabing ang anak ni Donald na si Keifer ang nagbahagi ng malungkot na balita sa pagpanaw ng kaniyang ama noong Huwebes sa pamamagitan ng post sa social media.
Tumagal ang karera sa showbiz ng nakatatandang Sutherland mula 1960s hanggang 2020s.
Taglay ang malalim na boses, walang hirap na nagagampanan ni Donald ang mga role na bida at maging kontrabida.
Noong 1970's hanggang 1980's, isa si Donald sa mga biggest stars sa Hollywood, may proyekto sa pelikula at telebisyon. Kabilang sa mga karakter na ginampanan niya ay ang pagogong Army surgeon sa "M*A*S*H" (1970), tank commander sa "Kelly's Heroes" (1970), small-town detective sa "Klute" (1971), stoned at libidinous professor sa "Animal House" (1978), local official na lumaban sa alien sa "Invasion of the Body Snatchers" (1978), at isang despairing father sa "Ordinary People" (1980).
Nakakuha ng mga bagong henerasyon ng fans si Donald nang gampanan niya ang role bilang presidente sa "The Hunger Games" movie (2012) at mga sequel nito.
"I wish I could say thank you to all of the characters that I've played, thank them for using their lives to inform my life," sabi ni Donald sa kaniyang talumpati sa pagtanggap ng honorary Academy Award for lifetime achievement noong 2017.
Ayon kay Kiefer, "my father was never daunted by a role, good, bad or ugly."
"He loved what he did and did what he loved, and one can never ask for more than that. A life well lived," saad pa niya sa post sa X.
Isinilang si Donald noong July 17, 1935, sa New Brunswick province sa Canada, at lumaki sa Nova Scotia. Nang magkolehiyo, lumipat siya sa Britain upang hubugin ang kaniyang karera sa pag-ate, at kinalaunan ay lumipat sa Amerika.
Nakuha niya ang kaniyang first big break nang makasama sa war movie na "The Dirty Dozen" (1967).
Dumagsa naman ang pakikiramay at nagbigay ng pagpupugay kay Donald mula sa Hollywood at Canada sa mga post sa social media kasunod ng paglabas ng balita tungkol sa kaniyang pagpanaw.
"Sutherland was a man with a strong presence, a brilliance in his craft and truly, truly a great Canadian artist," pahayag ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau, sa mga mamamahayag sa Nova Scotia.
Sa kabila ng kaniyang husay, hindi nagkaroon ng nominasyon sa Academy Award sa kaniyang mga ginampanang karakter si Donald.
Mayroon siyang limang anak, at tatlong ulit na ikinasal.--mula sa ulat ng Reuters/FRJ, GMA Integrated News