Magkakaroon din ng kaniyang wax figure sa Madame Tussauds sa Singapore si Lea Salonga.
Sa video post sa official Instagram account ng Madame Tussauds na mapapanood din sa GTV Balitanghali nitong Huwebes, ipinakita ang behind the scenes sa pagkuha ng sukat at imahe ni Lea para sa gagawin wax figure niya.
“It’s an absolute honor and a privilege. It’s fantastic,” sabi ng aktres.
Sabi pa ni Lea sa kaniyang supporters, “Hi everybody. I’m super excited to be joining Madame Tussauds with my very own wax figure. Are you ready?”
Bukod sa pagiging aktres at singer sa Pilipinas, nakilala rin si Lea sa buong mundo dahil sa pagbida niya sa mga international musical play. Kabilang na ang “Miss Saigon,” kung saan ginampanan niya ang iconic role na Kim ."
Si Lea ang unang Filipino na nanalo ng Tony and Laurence Olivier Award dahil sa naturang pagganap niya sa "Miss Saigon."
Kabilang sa mga Filipino celebrities na mayroon nang wax figure ay sina Pia Wurtzbach, Catriona Gray, at Manny Pacquiao. —FRJ, GMA Integrated News