Inilahad ni Donita Rose sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Martes na hindi niya ikinukonsidera ang sarili na “beautiful” noong kaniyang kabataan.
“When I was a little girl I would always remember na sinasabi talaga sa akin ng mga tao, ‘Mukha kang manika.’ In my mind yes, but as I got older I got more awkward as a teenager,” sabi ni Donita
Kuwento ni Donita, may isang schoolmate siya noon na half-Filipina at half-American din na sikat sa kanilang eskuwelahan, habang siya ang nagmistulang “ka-twin” nito.
“We look exactly alike, pero ako ‘yung pinakamahiyain,” anang TV host-actress.
Nang pumasok na siya sa showbiz, marami umano ang nagtaka at nagduda sa kaniyang kakayahan.
“Noong nag-showbiz ako, na-discover ako sa showbiz, lahat nagtaka ‘Huh bakit siya? Wala naman siyang mga kaibigan’… Parang hindi ako deserving mag-artista,” sabi ni Donita.
Dahil isang Filipino-American na hindi gaanong kabisado ang Tagalog, napasok siya sa comedy.
“But when eventually with showbiz… Nag-umpisa ako bilang comedian dahil hindi ako magaling mag-Tagalog. Ako ‘yung pang-finale ng That’s Entertainment doon sa ‘That’s Acting’ dahil laging palpak. Alam nila ‘yon. Natatawa sila,” sabi niya.
“Hanggang sa nabi-build ‘yung confidence ko, and then I ended up doing Over Da Bakod and all of these other things. I think with time nagkaroon ako ng confidence,” patuloy niya
Sa kabila nito, hindi niya itinuturing ang sarili noon bilang “beautiful.”
“But in my mind, I don’t really consider myself beautiful. I consider myself like a beautiful soul, but not beautiful…”
Sabi naman ni Tito Boy, “You’re both!”
“Well, maybe now I can accept that more, but not so much before,” tugon ni Donita. -- FRJ, GMA Integrated News