Star-studded ang handog na tribute para sa veteran actress na si Gloria Romero.

Sa Chika Minute report nitong Huwebes, sinabing masaya ang kinikilalang First Lady of Philippine Cinema dahil nakita at nakasama niya ulit ang mga kaibigan niya sa entertainment industry.

Ang kaibigan ni Gloria na si Daisy Romualdez ang nanguna sa event, na idinirek ni Johnny Manahan, na consultant ng  Sparkle GMA Artist Center.

Bukod sa mga malalaking artista, bigatin din ang mga naging host kabilang na ang King of Talk na si Boy Abunda.

Sa ulat ng PEP.ph, sinabing inawit ni Dulce  ang "Tanging Yaman," na titulo ng 2000 movie na pinagbidahan ng 90-anyos na ngayon na si Gloria.

Habang kinanta naman ni Mark Bautista ang medley ng "Love is a Many Splendored Thing," "What I Did for Love," at "Walk Away." -- FRJ, GMA Integrated News