Sumunod na rin sa yapak ng kaniyang mga magulang sa mundo ng showbiz ang anak na lalaki nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na si Andres.

Sa Instagram, ibinahagi ng Viva Artists Agency ang larawan ng pamilya Muhlach sa ginanagap na contract signing noong Sabado.

Nauna nang pumasok sa showbiz ang kakambal ni Andres na si Atasha, na pumirma rin ng kontrata sa Viva noong July 2023.

Bago ganap na pumasok sa showbiz, naging modelo muna ang magkapatid.

Sa dalawa, sinabi ni Charlene, na si Atasha ang mahilig sa sining tulad ng painting, acting, singing, playing instruments, at dancing.

Noong 2022, naging kinatawan ng Pilipinas si Atasha sa prestihiyosong Le Bal des Débutantes sa Paris, France, at naging escort niya si Andres. — FRJ, GMA Integrated News