Ibinebenta rin ni Daniel Padilla ang bahay nila ng kaniyang ina na si Karla Estrada sa Quezon City sa halagang P50 milyon.

Nakatala ang pagbebenta ng naturang bahay sa real estate account na Best Deal Property PH noong December 5, 2023.

Nakasaad sa post na two-story ang bahay na may lot area na 500 sqm. Mayroon itong anim na kuwarto, at anim na banyo.

Malaki ang garahe na kasya ang lima hanggang anim na sasakyan, at may maid’s at driver’s room.

Sa house raid vlog na dating ipinost ni Vice Ganda, itinampok ang ang bahay ng mag-ina. Ipinakita ang magandang kusina ng bahay na may brick arc, at grand staircase.

Naitampok na rin sa home magazine na Real Living ang nasabing bahay na nabili umano ni Daniel bago siya sumapit sa edad na 20.

 

 

Nauna nang ibinenta ni Daniel ang kaniyang orange Chevrolet Corvette C7, na taga-Pampanga ang nakabili.

Nitong nakaraang Nobyembre, kinumpirma nina Daniel at long-time girlfriend niyang si Kathryn Bernardo ang kanilang paghihiwalay.–FRJ, GMA Integrated News