Hindi napigilan ni Jericho Rosales na matawa nang mapa-flashback at makakita ng paper dolls nila ng dating ka-loveteam na si Heart Evangelista.

Sa Instagram stories ni Jericho, na mapapanood din sa Unang Balita nitong Biyernes, makikita ang koleksiyon ng kaniyang kaibigan, kung saan kasama ang paper dolls nila ni Heart.

Naka-tag din si Heart sa stories ni Jericho.

Sinabi ni Jericho na fashionista pa rin si Heart kahit nasa paper doll.

Labis din ang tuwa ni Jericho sa kaniyang paper doll dahil kakaiba ang kaniyang katawan. Ayon sa kaniya, hindi niya ito kayang ma-achieve.

“Katawan ko ba ‘to? Mukhang dinikit lang ‘yung ulo ko eh,” sabi ni Jericho.

Hirit pa ni Jericho sa video, pa-outfit check din ang kanilang paper dolls.

Pinusuan ng fans ang video, lalo’t marami ang nakaka-miss sa paper dolls. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News