Nakita ang closeness nina Kokoy de Santos at Angel Guardian sa first season ng "Running Man Philippines." Kaya naman inusisa sa "Fast Talk with Boy Abunda" kung ano na ang tunay na estado ng relasyon ng dalawa.

“Nasaan ba talaga ang relasyon niyong dalawa?” diretsong tanong ni Tito Boy kina Kokoy at Angel.

“Malalim na pagkakaibigan,” tugon ni Kokoy.

“We’re very good friends, we’re friends,” sagot naman ni Angel.

Sa Fast Talk segment, nilaglag ni Glaiza De Castro, na kapwa nila runner sa “Running Man Philippines” at guest din sa episode, na crush ni Kokoy si Angel.

Hiningan naman ni Tito Boy ng payo si Glaiza para kina Angel at Kokoy.

“Communication is the key,” sabi ni Glaiza.

Dito, pabirong humirit si Kokoy kay Angel na, “Kaya matuto kang mag-reply.”

Nauna nang inihayag ni Angel na tipo niya ang lalaking morenong may dimples, na tila nagpapahiwatig kay Kokoy.

Inihayag naman ni Kokoy na si Angel ay kaniyang “special friend.”

Muling magkakasama sina Kokoy, Angel, Glaiza, at ibang runners sa season 2 ng Running Man Philippines na kukunan ang mga challenges sa South Korea.-- FRJ, GMA Integrated News