Sa harap ng mga usap-usapan na may problema sa pagsasama nila ng kaniyang mister na si Richard Gutierrez, ipinakita ni Sarah Lahbati ang kaniyang bagong bahay.

Sa Instagram, nag-post ang aktres ng mga lawaran ng magandang bahay na may malaking sala at may pool.

“Switching up the mood for 2024,” saad ni Sarah sa caption sa post.

Nagtanong din ang aktres sa kaniyang mga follower ng interior designer na mairerekomenda nila.

Bukod sa kaniyang mga follower, binati rin si Sarah ng ilang celebrity sa bago nitong bahay.

 

 

Sa kabila ng mga usap-usapan tungkol sa problema ng kanilang pagsasama, wala pang opisyal na pahayag sina Sarah at Richard tungkol dito.

Taong 2020 nang magpakasal ang dalawa, at mayroon silang dalawang anak na sina Zion at Kai.—FRJ, GMA Integrated News