Sa halip na Philippines, Pilipinas ang bibigkasin ni Michelle Dee sa kaniyang pagpapakila sa kaniyang bansa sa Miss Universe 2023 sa El Salvador.
BASAHIN: Pilipinas o Filipinas, pag-usapan natin
Maaaring iboto si Michelle sa Miss Universe app para sa kategoryang Voice for Change at fan vote.
Samantala, bibiyahe nitong Martes si Ms. International 1979 at actress na si Melanie Marquez papuntang El Salvador para magbigay suporta sa kaniyang anak sa Ms. Universe pageant.
Dati na ring sinabi ni Melanie na grateful siya sa anak na si Michelle sa pagpupursigi nito na mairepresenta nang maayos ang Pilipinas sa Ms. Universe stage. -- Jamil Santos/ FRJ, GMA Integrated News