Magbabalik ang nakatutuwang game show na "Takeshi's Castle," at magiging hosts nito sina Eugene Domingo, Sassa Gurl, at Smokey Manaloto.
Inanunsyo ito ng Prime Video nitong Lunes, at sinabing mapapanood ang Filipino version ng sikat na Japanese game show simula ngayong buwan.
Si Smokey Manaloto, ang original host ng naturang game show na ipinalabas sa Pilipinas noong 1980s. Babalik siya bilang bilang dating employee ng Takeshi at muling magbibigay ng mga nakakalokong kometaryo tungkol sa mga maglalaro.
Magbibigay naman kaniyang magnetic energy si Sassa Gurl para sa fans, followers, at mga manonood.
Magsisilbi namang resident chismosa si Eugene.
Kasama rin sa cast si Jun Sabayton bilang si Shitake, ang henchman ng Takeshi.
Magkakaroon ng guest-star commentators sa bawat episode na kinabibilangan nina Maris Racal, Zanjoe Marudo, at Ketchup Eusebio.
Abangan kung sino ang mga maglalaro sa Takeshi na mayroong walong episodes, magsisimulang mapanood via streaming sa Prime Video sa November 16. — FRJ, GMA Integrated News