Isang bagong milestone ang na-achieve ni Jak Roberto nang i-launch niya ang kaniyang sariling skincare line. Si Barbie Forteza, inihayag ang kaniyang suporta sa nobyo.

Sa ulat ni Lhar Santiago sa Saksi, sinabi ni Jak na isa ito sa kaniyang goals bago siya mag-30 ngayong Disyembre.

“Dumating talaga ‘yung pagkakataon na nag-isip ako ng paraan kung paano ako makakaipon and magta-thrive, magri-risk sa business. And I think this is the right time,” sabi ni Jak.

One proud girlfriend naman si Barbie sa achievement ni Jak.

May komento rin si Barbie kung sakaling mag-live selling si Jak.

“Mine po ‘yung may-ari,” hirit ni Barbie. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News