Magko-concert sa unang pagkakataon bilang isang solo artist si Jungkook ng BTS, bukod sa release ng kaniyang debut solo album.

Sa ulat ng State of the Nation, sinabing inanunsyo ng Big Hit Music na itatanghal ni Jungkook ang mga awitin mula sa kaniyang “Golden” album.

Gaganapin ang kaniyang concert sa Nobyembre 20 sa Jangchung Arena sa Seoul, South Korea.

Mapapanood din ito online para sa mga ARMY na mananatili sa bahay. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News