Sa Instagram post, may madamdaming pagbabalik-tanaw ang dating EB Babe na si Lian Paz kung saan ibinahagi niya ang plano niya noon na magtrabaho sa ibang bansa para sa kinabukasan ng kaniyang mga anak.

Kapag naalala umano niya ang sandaling iyon na iiwanan niya ang kaniyang mga anak, sinabi ni Lian na naiiyak siya.

"This day was tiring yet fulfilling. Looking back to the time i was thinking to go out of the country to work para sa future ng mga bata, Waaaahh naiiyak ako iniisip ko pa lang, Kaya isa to sa napakalaking grasya ng Diyos na hindi niya ko hinayaan umabot doon," ayon sa dating EB Babe dancer.

BASAHIN: Paolo Contis, sinagot ang isyu na hindi umano siya nagsusustento sa mga anak

Ipinagpapasalamat ni Lian na may ibang plano para sa kaniya ang Diyos para maging mas mabuting ina at tao.

"Ngayon ko lang naisip how the Lord worked in my life so faithfully, hindi niya ako iniwan kahit kailan, he keeps on pursuing me and with that, I am forever thankful," patuloy ni Lian.

BASAHIN: Paolo Contis, gustong bumawi sa mga anak kay Lian Paz

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Lian Paz (@liankatrina)

 

Ayon pa sa dating EB Babe dancer, mapagpatawad at marunong umunawa ang Diyos.

"This is what i have learned lately as i continue to seek the lord. The more I know the lord, the more ashamed I am of the sins I have done and How wonderful it is that he accepts you wholeheartedly, no conditions, He don’t recall any of it anymore rather, He will encourage you to be more like him.. Glorifying his name as long as we live!,"  sabi ni Lian.

Tinapos niya ang mensahe sa post sa pamamagitan ng pagpapasalamat sa Diyos.

Mayroong dalawang anak si Lian sa dati niyang partner na si Paolo Contis na sina Xonia at Xalene.

Sa isang noon sa Fast Talk With Boy Abunda, sinabi ni Paolo na gusto niyang bumawi kina Xonia at Xalene.--FRJ, GMA Integrated News