Sa kaniyang pagbisita sa Pilipinas, masayang inihayag ni Miss World 2022 Karolina Bielawska na isa sa mga pinakaunang salitang Tagalog na natutunan niya ang “Charot!”
“I heard ‘Charot!’” natatawang sabi ni Karolina sa panayam sa kaniya sa Unang Hirit nitong Huwebes.
“They say it all the time, I heard ‘charot charot’ and I was like ‘What does that mean?’”
Bukod dito, alam na rin ni Karolina ang mga salitang “Mabuhay” at “Mahal ko kayo.”
Hindi pa man gaanong nakalilibot, gusto na agad ni Karolina na bumalik sa Pilipinas, at inihayag ang mga lugar na gusto niyang mapuntahan.
“To be honest it’s a short visit, it’s just the first day, but I’m sure I will come back and I really would love to see the Palawan underground river. It’s so beautiful.”
“I also love diving, and I know you have one of the most beautiful coral reefs in the world. So many places to see," dagdag pa niya.
Komento naman niya tungkol sa mga Pinoy, “The people are lovely.”
Naging panauhin din si Miss World Philippines 2022 Gwendolyne Fourniol, na sinabing may “huge list” na siya para kay Karolina ng mga bagay na pupuwede nitong gawin sa bansa, gaya ng pagkain sa Jollibee.
"That’s the first thing she said to me," sabi ni Gwendolyne.
“I’ve heard a lot about it, I know it’s great. And also chicken Adobo,” sabi ni Karolina.
Nakatakdang ganapin ang Miss World 2023 sa Disyembre sa India.
Nanalo naman si Gwendolyne ng Miss World Philippines crown Hunyo noong nakaraang taon.-- FRJ, GMA Integrated News