Hindi itinago ni Carmina Villarroel ang kasiyahan na magkasama-sama sila ng kaniyang asawang si Zoren Legaspi at kambal na anak na sina Mavy at Cassy.
Sa Instagram posts ng "Abot-Kamay na Pangarap" actress, ibinahagi niya ang mga larawan nang kumakain sila sa restaurant at nanood ng sine.
"Finally we are complete. I'm a happy momma again," saad ni Carmina sa caption.
"I [love] you all and I [love] spending time with you guys. Thank you God for the gift of family," dagdag niya.
May kani-kanilang mga proyekto ang pamilya Legaspi. Gaya nina Cassy at Mavy na pagiging hosts ng daily noontime show na "Eat Bulaga." —— FRJ, GMA Integrated News