Proud na ipinakita ni Bea Alonzo kung paano siya alagaan ng kaniyang fiancé na si Dominic Roque. Sa video na ipinost ng aktres, makikita na pinaplantsa ng nobyo sa kaniyang damit.

“Check out the clip where he was ironing my clothes, ganyan po sya magmahal. [heart emoji]” caption ni Bea sa kaniyang Instagram.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

 

Nag-quick trip sina Bea at Dominic sa Singapore kung saan sila nagdiwang ng kaarawan ni Dom.

Pagdiriwang na rin ito ng kanilang engagement, ayon kay Bea.

Bago nito, kinailangan nilang magmadali sa airport matapos ang GMA Gala, at kamuntikan pa nilang hindi mahabol ang kanilang flight.

Nagpropose si Dominic kay Bea noong Martes, July 18 sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Quezon City.--Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News