Bukod sa hitsura, kaya ring gayahin ng master impersonator na si Willie Nepomuceno ang boses ng mga personalidad na kaniyang ginagaya. Dahilan kung bakit natatangi ang kaniyang abilidad.

Ngayong Miyerkules, ibinahagi ng kaniyang pamilya ang malungkot na balita tungkol sa kaniyang pagpanaw sa edad na 75.

READ: Willie Nepomuceno, pumanaw na sa edad 75

Sadya raw gumuguhol ng oras at panahon si Willie Nep para paghandaan at pag-aralan ang ginagaya niyang karakter.

Ginagawa raw niya ang panggagaya lalo na sa ilang pulitiko para kilitiin ang opinyon ng publiko.

Balikan sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang panayam kay Willie Nep noong 2012 kung saan makikita ang ilan sa mga kilalang personalidad na kaniyang ginaya tulad nina dating Pangulong Noynoy Aquino, at Erap Estrada, at maging si dating Senate President Juan Ponce Enrile. --FRJ, GMA Integrated News