Maging ang mga dumalo sa GMA Gala 2023 ay may mga hinangaang celebrity sa ganda o husay magdala ng kani-kanilang kasuotan.

Marami ang lumutang na kagandahan at kakisigan sa eleganteng GMA Gala 2023. Kabilang dito sina Alden Richards, Barbie Forteza, at Kapuso couples na sina Marian Rivera-Dingdong Dantes, at Jennylyn Mercado-Dennis Trillo.

Agaw-pansin si Heart Evangelista sa kaniyang Schiaparelli, habang naka-Encantadia-inspired gown naman si Kylie Padilla.

Dumalo rin ang ilang Kapamilya Stars kagaya nina Anne Curtis, Vice Ganda at Joshua Garcia.

Si Joshua, gandang-ganda kay Barbie.

Nang tanungin ang ilang dumalo sa GMA gala kung sino ang "Best Dressed" para sa kanila, narito ang kanilang pinili:

 

--FRJ, GMA Integrated News