Inihayag ni Manilyn Reynes ang kaniyang pananaw tungkol sa sinabi ni Liza Soberano na kailangang maging bahagi ng love team ang isang artista para sumikat sa Pilipinas.
“Disagree. Certainly kaya mong gawin ‘yan on your own,” sabi ni Manilyn sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkoles.
“You always go back to, ano ‘yung talent na ibinigay sa ‘yo? Hindi mo kailangan ng isa pa. Hindi ko sinasabi na hindi mo kailangan ng ka-love team. Somewhere, sometime, somehow, kailangan meron ka ring ka-love team lalo kapag growing up, teenager ka,” pagpapatuloy ng "Pepito Manaloto" star.
Isa si Manilyn sa mga sikat na aktres sa kaniyang kapanahunan. Naging bahagi siya ng mga love team noong 1980s at nakatambal sina Janno Gibbs, Keempee de Leon, at Ogie Alcasid.
“Pero of course you can do it on your own. ‘Yun na nga, ipakita mo what you’ve got,” paliwanag ng aktres.
Para kay Manilyn, dapat na ibinibigay ng artista ang kaniyang buong talento.
“Huwag nga kasi half-baked. Sa totoo lang, ang hirap ng half-baked ng ginawa mo, kapag napansin mo rin kapag napanood mo, ‘Ay, parang meron pa ako dapat ibinigay. Bakit doon lang?’ sabi ng beteranang aktres.
Sa kaniyang nakaraang panayam, tinalakay ni Liza ang pananaw niya tungkol sa mga love team sa Philippine showbiz industry.
"In love teams, you're expected to just be with that one person throughout your career and in your personal life and, like, people don't wanna see you aside with another male actor or any other male in general," sabi ni Liza.
"What happens in the beginning of your career is they kind of test you, they put you in a project together where you guys are not necessarily the leads, and it's kind of like a chemistry test," dagdag pa niya.
"And in the Philippines, the only way to become a really big star really, if you're not a singer, is to be in a love team," saad ni Liza.-- FRJ, GMA Integrated News