Nagtanghal si Lea Salonga sa harap ni US President Joe Biden sa state dinner para sa pagbisita ni South Korean President Yoon Suk Yeol.
 
Sa ulat ng Saksi, sinabing kasama rin ni Lea ang ilang Broadway stars na sina Jessica Vosk at Norm Lewis sa kanilang performance.
 
Hindi rin pinalagpas ng South Korean leader na kumanta sa event.
 
Ayon kay Lea, isang karangalan sa kaniya na maimbitahan ni President Biden sa White House, at nagpapasalamat siya sa oportunidad na maging kinatawan ng Pilipinas sa global community, lalo sa nalalapit na Asian American Pacific Islander Heritage Month sa Amerika. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News