Nakagawa ng kasaysayan si Taylor Swift sa Billboard 200, bilang kauna-unahang living artist na nakapag-chart ng pitong album sa Top 40.
May panibagong achievement para sa award-winning American singer-songwriter na si Taylor Swift.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing siya ang unang artist na may pitong album sa Top 40 ng Billboard 200 charts.
Pumangatlo ang latest album niyang “Midnights” samantalang ika-13 naman ang “Lover.” Sumunod dito ang kaniyang Grammy of the Year winners na “Folklore” at “1989.”
Kasama rin ang “Red (Taylor’s Version), “Reputation” at “Evermore.”
Bago nito, ang album ni Whitney Houston pa lang ang nagkaroon ng record matapos pumanaw ang singer noong 2012.
Kasabay ng The Eras Tour ni Taylor ang pagchart ng kaniyang albums at mga kanta.
Katatapos lang ng second leg ng tour ni Taylor sa Las Vegas, Nevada. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News