Karaniwang bumibiyahe sa malalayong lugar ang maraming tao — maging ang mga sikat — kapag Holy Week para mamasyal at makapaglibang.

Pero para kina Michael V. at asawa niyang si Carol Bunagan, mas nais nilang manatili sa bahay o rest house dahil sa hindi magandang karanasan nila noon sa panahon ng Semana Santa.

"Hindi siya uneventful e, 'yung mga Holy Week namin. Siya [Bitoy] naholdap... Ako na... May mga ganun e, so play it safe na lang," sabi ni Carol sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News "24 Oras" nitong Lunes.

Plano ng mag-asawa na manatili lang sila sa kanilang rest house sa Batangas sa Holy Week.

"Wala namang mawawala. Maigi rin namang mag-stay sa bahay," sabi ni Bitoy.

Sa nakaraang selebrasyon ng kanilang 25th wedding anniversary noong Pebrero, nagtungo ang mag-asawa sa Penang, Malaysia. Pinuntahan nila ang sikat na Langur Way Canopy Walk. —FRJ/KG, GMA Integrated News