Nilinaw ni Bela Padilla tungkol sa mga espekulasyon na hindi na siya babalik sa Pilipinas matapos siyang magpunta sa London.
Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, ikinuwento ni Bela na bumuo na siya ng kaniyang production house sa UK at nag-umpisa na rin siyang magdirek ng kaniyang pelikula.
“I still love working with people I know. Siyempre dito tayo sanay eh. Umuuwi ako rito kapag kailangan kong mag-shoot ng pelikula,” sabi ni Bella.
Pero pag-amin ng aktres, maging siya ay nakaramdam ng pagiging kumportable sa bansa noong panahon ng pandemya.
“Siguro dahil pandemic Tito Boy, lahat tayo naghanap ng lugar sa mundo, kung saan tayo pinakakumportable, kung saan tayo at home. Noong pandemic I didn’t feel it anymore in the Philippines. So I feel like I had to leave,” sabi ni Bela.
“‘Yun lang. Wala siyang big explanation, wala siyang big meaning or deep meaning na ‘Aalis na ako, iiwan ko na kayo.’ Wala akong pinag-isipan na ganoon,” paliwanag ni Bela.
Bukod dito, nasa UK din ang pamilya ni Bela.
Ang guesting ni Bela nitong Biyernes sa “Fast Talk with Boy Abunda” ang nagsisilbi rin niyang unang pagbabalik sa GMA Network matapos ang maraming taon.
Inanunsyo rin ni Bela na bahagi ng sa kauna-unahang summer edition ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pelikulang “Yung Libro Sa Napanuod Ko” na siya ang nagdirek.
Napag-alaman na kasali sa naturang movie si Tito Boy.
“I’m being supported here by Bela Padilla, I’m directed by Bela Padilla. I have a two second role,” biro ni Tito Boy tungkol sa kaniyang gagampanang karakter.
“Ay hindi po Tito Boy! Kakalabas ko lang ng editing, mahaba po ‘yung eksena niyo!” sabi naman ni Bela.
Proud si Tito Boy na naka-isang take lang siya sa kaniyang eksena sa pelikula ni Bela.
“Ito ‘yung malala. Pagdating niya sa set, memorize niya ‘yung lines niya. Walang nagturo, walang kahit ano. Nandito po ang witness, nandito ang makeup artist. Alam niya ‘yan,” pagbabahagi ni Bela tungkol sa professionalism ni Tito Boy.
“Pagpasok niyo roon sa room, lahat tumahimik. You’re a presence na ‘Ay, seryoso ‘to, magshu-shoot na tayo.’ Kasi parang kapag kami laro-laro lang. Noong dumating ka lahat tumahimik,” sabi ni Bela. --FRJ, GMA Integrated News