Nakatanggap ng mga papuri si Julie Anne San Jose dahil sa magaling niyang pagganap sa paghihinagpis ni Maria Clara sa pagkawala ni Crisostomo Ibarra sa "Maria Clara at Ibarra."
Sa latest episode ng hit historical portal fantasy series Martes ng gabi, napanood ang paghihinagpis ni Maria Clara nang matagpuan ang rosaryong ibinigay niya kay Crisostomo.
Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabing all out ang acting ni Julie Anne sa eksena nila ni Juancho Trviño, na gumaganap bilang si Padre Salvi.
Nagka-goosebumps ang netizens matapos mapanood ang eksena.
Nag-trend din si Julie Anne sa Twitter Philippines Martes ng gabi. —Jamil Santos/LBG, GMA Integrated News