Sinorpresa si Glaiza De Castro ng isang bridal shower ng kaniyang mga malalapit na kaibigan bago ikasal muli kay David Rainey.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, sinabing sinorpresa si Glaiza ng kaniyang mga kaibigan sa showbiz na sina Sheena Halili, Maxene Magalona at Kakai Bautista.

Priceless ang reaksyon ni Glaiza matapos mag-picture sa kaniyang standee.

 

 

Nag-change outfit din si Glaiza ng red dress.

Ayon kay Glaiza, titingin lang siya dapat ng condo, pero hindi niya inasahang ang mga mahal sa buhay ang makikita niya.

Thankful si Glaiza sa pagmamahal at suporta ng kaniyang mga kaibigan.

Oktubre 2021 nang unang ikinasal sina Glaiza at David sa Northern Ireland.

Nakatakda naman silang ikasal ngayong Enero sa Pilipinas.--Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News