Mapapanood na rin sa Indonesia ang Philippines' most watched TV show ng 2022 na "Lolong."

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, sinabing ang hit Kapuso action-adventure series ang magiging kauna-unahang Filipino teleserye na ipalalabas sa ANTV, isa sa TV networks sa Indonesia.

Sinabi ng ANTV na perfect ang Lolong sa mga taga-Indonesia dahil sa fantasy genre na tampok nito.

Ipalalabas ang Lolong sa ANTV bilang “Dakkila.”

Pinagbibidahan nina Ruru Madrid, Shaira Diaz at Arra San Agustin, ang Lolong ay kuwento ng isang binata na may kakaibang pagkakaibigan sa isang higanteng buwaya na si Dakila. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News