Sa pamamagitan ng Instagram post, binati ni Paolo Contis ang anak nila ni LJ Reyes na si Summer, na nagdiriwang ng kaarawan.
Ibinahagi ng aktor ang larawan nila ni Summer na pareho silang nakangiti.
Saad ni Paolo sa caption na may kasamang heart emoji: “Happy birthday, my ganda! I miss you everyday.”
Agosto noong 2021 nang kumpirmahin ni LJ na hiwalay na sila ni Paolo. Kasunod nito ay nanirahan na ang aktres sa Amerika kasama ang mga anak niyang sina Summer at Aki.
Kinalaunan, inamin ni Paolo na may third party sa hiwalayan nila ni LJ pero hindi umano ito si Yen Santos.—FRJ, GMA Integrated News