Kinumpirma kamakailan ng mga Pinoy scientist na mayroon umanong amnesia-causing microorganisms sa mga shellfish na nakukuha sa mga palaisdaan sa Luzon.
Ayon sa isang pag-aaral mula sa Ateneo de Manila University, natuklasan ng mga biologists ang Pseudo-nitzschia pungens at Pseudo-nitzschia brasiliana sa shellfish farms sa Luzon na maaaring lumikha ng neurotoxin na nagdudulot ng sikat at matindang pagkawala ng memorya.
Bagaman karamihan umano ng Pseudo-nitzschia diatoms ay maituturing na harmless o hindi nakapipinsala, mayroong 58 species ang nakalilikha ng domoic acur (DA) na kapag nakain ay nagiging sanhi ng pagsusuka, pagkahilo, diarrhea, at pananakit ng tiyan, at pagkakataon ng permanent loss of short-term memory o “amnesic shellfish poisoning.”
Ayon sa mga mananaliksik, ito ang kauna-unahang pagkakataon na natuklasan ang P. brasiliana sa Luzon.
“It is important to be aware of the toxic potential of these diatoms and to monitor them accordingly, but such efforts must begin by establishing their presence in our waters. To our knowledge, the molecular taxonomy of Pseudo-nitzschia in the Philippines is virtually nonexistent,” saad ng mga mananaliksik.
“Confirming species identities of a genus with half of its constituents known to produce DA is essential to HAB monitoring (in the Philippines),” dagdag pa nito.
Ang mga nagpositibong sample mula sa shellfish na nakolekta mula sa Bacoor Bay at Pagbilao Bay sa Luzon ay natukoy ng Ateneo de Manila University Department of Biology at Universiti Malaysia Sarawak. — mula sa ulat ni Jiselle Anne Casucian/FRJ, GMA Integrated News