Mahina man sa paningin, pero tila mas malakas ang guardian angel ni Angel Guardian kumpara sa ibang "runners" matapos na siya ang itinanghal na kauna-unahang Ultimate Runner sa 1st season ng "Running Man Philippines."

Ang isa pa na inaakalang mahina na si Lexi Fernandez ang huling nakalaban ni Angel sa final challenge. Naging matindi rin ang laban nina Kokoy de Santos at Buboy Villar.

Samantalang napagkaisahan naman si Boss Glaiza De Castro na madaling natanggal sa huling challenge.  Panoorin ang finale episode na ito ng "RM PH," at alamin kung papaano nakuha ni Angel ang tagumpay. 

--FRJ, GMA Integrated News