Naging balita ang pagpasok na rin ni Suga sa mandatory military service sa South Korea, matapos mag-enlist ng kapwa BTS member na si Jin.

Sa ulat ng "Unang Balita" nitong Huwebes, sinabing magsisilbing public service worker si Suga.

Paglilinaw ng music label ng BTS na BigHit Music, depende sa personal na plano ng mga miyembro ang schedule ng military enlistment.

Nauna nang sinabi ng mga miyembro ng BTS na tutuparin nila ang kanilang mandatory enlistment.

Target ng BTS na magsama-sama ulit sila sa 2025. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News