Payag kaya ang Kapuso actress na si Max Collins na sumunod sa yapak nila ng asawang si Pancho Magno, na mag-artista rin ang anak nilang si Skye?
Sa panayam ng "At Home with GMA Regional TV," sinabi ni Max na si Skye ang inspirasyon niya para maging fit and health mom.
Ani Max, kailangan na maging malakas at malusog siya para sa kaniyang anak.
Kaya naman naging bahagi na raw ng kaniyang daily routine ang cardio exercise, stretching, at yoga kahit 30 minutes lang.
Nang tanungin kung papayag ba siyang pumasok din sa showbiz si Skye, ayon kay Max, hahayaan niya ang anak na magdesisyon.
Gayunman, kung siya ang masusunod, nais daw niya na may ibang larangan na subukan ang kaniyang anak.
"Sana he'll to something else because kaming dalawa ni Pancho were both in showbiz, so I feel like it will be nice to him to learn something different," paliwanag niya.
Dagdag pa ni Max, "Kasi acting will be always be there for him." --FRJ, GMA Integrated News