Humanga at naaliw ang netizens sa tatlong-taong-gulang na si Vito, anak nina Saab Magalona at Jim Bacarro, sa pag-awit niya ng Beatles songs.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita," ipinakita ang video na ipinost ni Jim sa Instagram habang feel na feel ang pagkanta.

Inawit niya ang hit songs ng Beatles na "Don't Let Me Down," "I Wanna Hold Your Hands," at "Yesterday."

Sa IG post ni Jim, nilagyan niya ng caption ang video ng, "Some Beatlemania yesterday."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Jim Bacarro (@jimbacarro)

 

Komento ng ilang followers ni Jim, puwedeng magkaroon ng sariling banda si Vito sa future at siya ang frontman.--FRJ, GMA Integrated News