Inihayag ng Lapillus member at bagong Kapuso na si Chanty Videla na sinusubaybayan niya ang hit historical portal fantasy series na "Maria Clara at Ibarra." Ayon kay Chanty, kabilang sa mga nais niyang gawin ang historical drama series.

"Kasi po mahilig po ako sa K-drama, especially mga historical na dramas. 'Yung idea lang na merong historical na teleserye na rin dito sa Philippines, 'yung maipapakita natin 'yung Filipino culture and all that. Na-excite po ako sa idea," sabi ni Chanty sa isang panayam sa Kapuso Showbiz News.

Dahil dito, gusto rin ni Chanty na gumanap sa mga historical dramas.

"'Yung mga ganu'ng type na teleserye po, if given the chance to play a role, even if it's just a small role, I would really, really be thankful po," sabi ng singer-actress.

Dahil isang Filipina-Argentinian, proud si Chanty na napapanood ang paggamit ng salitang Espanyol sa series.

"I've always heard about how the Tagalog na nahaluan ng Spanish language and all that. I already had an idea about. But to actually be able to see it, to have an image about it, it's just really cool," sabi niya.

"Naging proud ako na siyempre, half-Argentinian ako, nag-Spanish din ako, naiintindihan ko rin, hindi ko na kailangang basahin 'yung subtitles. Tapos nakikipagbiruan din ako with my brothers. It's really cool, it makes me feel so proud," dagdag ni Chanty.

Bukod dito, gusto niya rin at bukas na maging bahagi ng action movies at fantaseryes.

Bahagi na ngayon ng Sparkle family si Chanty, na naging miyembro ng Lapillus ngayong taon.--FRJ, GMA News