Isa si Ariella Arida sa mga mapalad na naka-meet at naka-selfie ang South Korean actor na si Ji Chang Wook.
Sa Instagram, ipinost ng Miss Universe Philippines 2013 na si Ariella ang selfie nila ni Ji Chang Wook sa meet and greet event na hosted ng local fashion brand na Bench.
Sa larawan, all smile sina Ariella at Ji Chang Wook at may magandang backdrop na Christmas tree.
"When you made it right before the cut off!" saad ni Ariella. "Ji Chang Wook, the warmest Oppa I've ever met!"
Hindi napigilan ng bueaty queen na maging fangirl sa guwapong Korean actor.
"And look at that beautiful face, I cannot handle it!" saad niya na tila kinikilig.
Kasabay nito, pinasalamatan ni Ariella si Ben Chan at ang Bench team na dinala sa Pilipinas si Ji Chang Wook.
"You made us all super kilig and over the moon," natatawa niyang sabi. "Lost my voice screaming from start to finish."
"Saranghaeyo Wookie," mensahe pa niya sa Korean actor.
Kabilang sa mga personalidad na nakita sa fan meet event ang GMA Integrated News reporters na sina Mariz Umali at Sandra Aguinaldo.
Kabilang sa mga pelikulang ginawa ni Ji Chang Wook "Suspicious Partner" at "Lovestruck in the City."—FRJ, GMA Integrated News