Kahit naging komplikado umano ang kanilang relasyon, sinabi ni Nick Carter na hindi naglaho ang pagmamahal niya sa namayapang kapatid na si Aaron.
Sa Instagram, nag-post ang Backstreet Boys member ng larawan nila ni Aaron noong mga bata pa.
Sa paniwala ng kaniyang caption, sinabi ni Nick na, "My heart is broken."
"Even though my brother and I have had a complicated relationship, my love for him has never ever faded. I have always held on to the hope that he would somehow, someday want to walk a healthy path and eventually find the help that he so desperately needed," bahagi ng post ni Nick.
Patuloy niya, "Sometimes we want to blame someone or something for a loss, but the truth is that addiction and mental illness is the real villain here."
Sinabi pa ni Nick na mami-miss niya ang kaniyang kapatid. Naniniwala rin siya na mahahanap na ni Aaron ang kapayapaan na hindi nito nakita sa mundo.
Nitong Sabado, nakitang wala nang buhay ang 34-anyos na si Aaron sa kaniyang bahay.
Bumuhos ang pakikiramay sa pagpanaw ni Aaron. — FRJ, GMA Integrated News