Isang newbie actor na gustong maging "Eat Bulaga" Dabarkads ang hindi napigilang kiligin kay Maine Mendoza nang sumali sa segment na "Bida Next."

Sa isang episode ng longest running noontime show sa bansa, sinabi ng contestant na si Drei Arias, na isang indie film ang kaniya nang ginawa na idinerek ni Joel Lamangan.

Pero halatang kinakabahan si Drei habang nagkukuwento tungkol sa kaniyang sarili. Hindi nagtagal, inamin na niyang kinikilig siya kay Maine Mendoza, na isa sa mga host ng segment.

Bakit naman kaya? Panoorin ang naturang tagpo sa video. --FRJ, GMA News