Kinumpirma ni Heart Evangelista na nag-cameo role siya para sa Season 3 ng Netflix series na "Bling Empire."

Bago magsimula ang season premiere nitong Miyerkoles, nagpahiwatig si Heart sa isang tweet tungkol sa paglabas niya sa series.

Sa isa namang tweet, pinasalamatan ni Heart ang kaniyang mga kaibigan na Bling Empire stars na sina Kane Lim at Kelly Mi Li na nagbigay sa kaniya ng oportunidad.

Sa Star Bites ng “Balitanghali” nitong Huwebes, sinabing Agosto noong nakaraang taon nang pag-usapan ang posibleng pagsali ni Heart sa Bling Empire matapos mamataang ka-bonding sina Kane at Kelly. — Jamil Santos/VBL, GMA News