Umani ng papuri mula kay Victoria Beckham ang Kapuso star na si Heart Evangelista matapos mag-post ng mga larawan habang nasa Paris.
Sa Instagram, ipinost ni Heart nitong Linggo ang mga larawan na itim ang kasuotan niya, may big ribbon, heels, stylish round bag, at big shades.
Nilagyan ng Kapuso Queen of Creative Collaborations ang caption na black heart emoji at naka-tag ang British fashion designer.
"[You] look incredible! Perfect VB muse!," komento ni Victoria sa post.
Dumalo kamakailan si Heart sa Milan Fashion Week, kung saan nagsuot pa siya ng black and gold outfit na may mga kubyertos na nakatawag ng pansin sa netizens. —FRJ, GMA News