Naikumpara ni Derrick Monasterio ang kaniyang leading lady sa "Return To Paradise" na si Elle Villanueva sa isang alak, na habang tumatagal ay lalong gumaganda at gumagaling sa acting.

"Si Elle para siyang wine. 'Yung habang tumatagal lalong gumaganda. Ganoon siya eh, ang dami kong nakikitang bagong sides niya, bagong magandang angle niya," sabi ni Derrick tungkol kay Elle sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News "24 Oras" nitong Biyernes.

Si Elle naman, hindi na nag-alinlangan na gawin ang sexy scenes nila ni Derrick sa bagong GMA Afternoon Prime series.

Ito rin ang first lead role ni Elle.

"Actually 'yung workshop namin it really helped us to break the ice between us. We're just vibin' with each other. Nagkakasundo talaga kami," sabi naman ng dalaga tungkol kay Derrick.

Gaganap sina Derrick at Elle bilang sina Red Ramos at Eden Santa Maria, na magiging stranded sa isla matapos ang plane crash at mahuhulog ang loob sa isa't isa.

Pero magiging masilimuot ang kanilang pagmamahalan dahil sa hindi magandang nakaraan ng kani-kanilang pamilya.

Makikita sa teaser ng Return To Paradise ang mga sizzling hot at sexy na eksena nina Derrick at Elle.

Nagpainit din sina Derrick sa kaniyang defined abs habang nasa beach, at si Elle sa kaniyang sultry

Kinunan ang mga sexy scenes nina Derrick at Elle sa isang magandang isla sa Quezon.

Hindi lang sexy scenes ang aasahan, kundi iikot din ang kuwento sa pagmamahal ng pamilya.

"It's not gonna be about just two people falling in love, but it's about the love of your mother, your own family. It's really hard to choose between your family and your loved one," paliwanag ni Elle.

"Feeling ko 'yung daringness dito makukuha sa kung paano naglalaro 'yung dalawang characters, kung paano 'yung mga tinginan nila, kung paano 'yung touch, kung paano 'yung chemistry," sabi ni Derrick.

Kasama sa "Return To Paradise" ang mga batikang aktor at aktres na sina Teresa Loyzaga, Ricardo Cepeda, Liezel Lopez, Kiray Celis, Karel Marquez, Paolo Paraiso, Allen Dizon, at Eula Valdez.

Mapapanood ang “Return to Paradise” simula sa Aug. 1, sa ganap na 3:25 p.m., sa GMA.--Jamil Santos/FRJ, GMA News