Isang proud at happy lolo na si dating Manila mayor Isko Moreno.

Sa Modern Parenting, inihayag ni Isko na lalaki ang baby ng kaniyang anak na si Joaquin Domagoso at nobya nito.

Pinangalanan ang baby na si Scott.

"I'm really enjoying it," sabi ni Isko sa kaniyang pagiging maagang lolo. "I'm happy and grateful to God. Of course, I'm happy for Joaquin. Having a child, naturally will create a certain mindset in terms of priorities."

Naging bahagi ang 20-anyos na si Joaquin sa highly successful Kapuso series na "First Yaya," na sinundan ng "First Lady."

Nang hingan ng reaksyon ang GMA's talent management group na Sparkle, kinumpirma ng kinatawan nito na isa na ngang ama si Joaquin.

Nilinaw din ng kinatawan na hindi naman itinatago ng aktor ang pagiging ama pero nais daw nitong maging pribado ang buhay ng bata at ina nito.

Sa Modern Parenting, inihayag ng dating alkalde na, "Being a grandfather is an opportunity to be happier in the next decade or two in this world." — FRJ, GMA News