Nagpasilip sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva sa Instagram posts ng hots photos nila para sa inaabangang GMA Afternoon Prime series na "Return to Paradise."
Nitong Linggo, ibinahagi ng Kapuso hunk ang larawan na kasama niya ang kaniyang leading lady na kinunan sa beach.
“Fortunate enough to have witnessed firsthand these characters’ journey,” ani Derrick.
Gaganap sina Derrick at Elle bilang sina Red Ramos at Eden Santa Maria, na magiging stranded sa isla matapos ang plane crash at mahuhulog ang loob sa isa't isa.
Pero magiging masilimuot ang kanilang pagmamahalan dahil sa hindi magandang nakaraan ng kani-kanilang pamilya.
Kasama sa "Return To Paradise" ang mga batikang aktor at aktres na sina Teresa Loyzaga, Ricardo Cepeda, Liezel Lopez, Kiray Celis, Karel Marquez, Paolo Paraiso, Allen Dizon, at Eula Valdez.
Mapapanood ang “Return to Paradise” simula sa Aug. 1, sa ganap na 3:25 p.m., sa GMA. – FRJ, GMA News